PANUKALANG PROYEKTO
PAGLALAGAY NG MGA SAKO SA GILID NG DAAN PARA MAIWASAN ANG PAGKALAT NG MGA BASURA
Introduksiyon
Tayo ay isinilang sa mundo hindi lang para sa ating mga sarili at sa iba, isinilang din tayo na may kakambal na responsibilidad para alagaan ang ating kapaligiran, kalikasan. Ang problema sa basura ay isang pandaigdigang alalahanin. Sa ating komunidad, pagsisikap at disiplina ang kailangan upang ang bawat tao sa komunidad ay magkaroon ng kamalayan tungkol sa pagkasira sa ating kapaligiran dahil lang sa hindi tamang paglalagay ng basura sa tamang lalagyan. Ang mga nagkalat na basura ay isang pangunahing pinagmumulan ng polusyon at pinagsisimulan ng mga sakit sa komunidad. Walang permanenteng solusyon dito ngunit para maiwasan ito napag-isipan namin na mag-palagay ng mga basurahan sa gilid ng daan.
- Proponent ng Proyekto: Grupo ng mga mag-aaral sa Grade 12 na sina KAYCEE G KIASAO,JEFF G ALIPIO LOVELY U. ESQUILLO, KIM WALTER LAMPA, MICHEAL PERA.
- Pamagat ng Proyekto: Basurahan para sa ating kaligtasan at komunidad.
- Pondong Kailangan: P100 PHP
Rasyonal:
Ang proyektong ito ay nais maisagawa dahil alam kong hindi nman lingid sa ating kaalaman na maraming nagkalat na basura sa gilid ng daan. At bilang tulong sa problemang ito, maglalagay tayo ng mga sakong basura sa mga gilid ng daan na may label na nabubulok, di-nabubulok, at nareresiklo, para maiwasan ang pagtatapon ng basura sa kung saan-saan.
Layunin:
Layunin ng proyektong ito na makatulong sa kalikasan at sa komunidad para magkaroon tayo ng kaayaayang kapaligiran. At para hindi tayo magkaroon, o makakuha ng sakit dahil tayong mga tao ang dapat magbantay sa ating kalikasan para sa ating magandang kinabukasan at para na rin sa mga susunod na henerasyon.
Kasangkot sa Proyekto:
Kasangkot sa proyekto ang mga sumusunod:
- Kaycee G. Kiasao (Magsasagawa ng Proyekto)
- Jeff G. Alipio (Magsasagawa ng Proyekto)
- LovelyU.Esquilo (Magsasagawa ng Proyekto)
- Kim Lampa (Magsasagawa ng Proyekto)
- Micheal Pera (Magsasagawa ng Proyekto)
Petsa ng pagtatatag ng gawain:
Isasagawa ang proyektong ito sa ika-anim ng Agosto, 2019.
Gastusin ng Proyekto:
Sa proyektong ito tinatayang gagastos ang grupo ng halagang 100 PHP na inilaan para sa pagbili ng sakong basurahan na ilalagay sa mga gilid ng daanan.
Konklusyon:
Ang pagtatapon ng basura sa tamang lalagyan ay malaki na ang maitutulong nito sa ating kalikasan. Kaya dapat maintindihan ng bawat isa na lahat tayo lumilikha ng basura at kailangan natin itong ilagay sa tama dahil tayon ang bantay ng kalikasan, hindi natin ito dapat sirahin dahil pinagkatiwala ito ng diyos sa atin. Kalikasan alagaan para sa ating kinabukasan.
Comments
Post a Comment